27 January, 2009

Masaklap Ang Mga Naganap

'Di alintana ang mga sanga-sangang trapiko sa mga daang aming tinahak tungo sa Cuneta Astrodome noong Linggo, Enero 25, masuportahan lamang ang naghihingalong koponang nais kong makapasok para sa kampeonato. Desidido akong mapanood ang laro dahil sa bukod sa iyon ay libre, magkakaroon pa ako ng pagkakataon upang makita nang malapitan ang mga paborito kong manlalaro ng SMB dahil sa courtside ang puwesto namin. At isa pa'y first-time na sa Pasay ako makakapanood.

Dahil nga sa kamalasang tinamasa sa daan pa lamang, ikalawang yugto na nga ng laro ang inabutan ng mga umaasang sina JP,gf ni JP na si Len, kapatid ni Len, Frankie at ako. Dahil nga sa kamalasang iyon, ang SMB ay nabigo sa 116-115 iskor. Puwede naman kasi silang matalo ng tambakan, kaso kung di ba naman malas e, isang puntos lamang ang naghiwalay sa pag-asa at kabiguan. Haaay, I said, blame it to the coach. haha.

Kumain kami sa Nato's sa may Kamuning nung pauwi at ako naman ang solong nagtamasa ng mga di kanais-nais na pangyayari. Kung ano ang mga ito ay di ko na lamang muna babanggitin sapagkat maging sa bahay na aking tinutuluyan ay sunud-sunod nang nangyari ang mga di inaasahan.

Kinaumagahan, 26, habang ako'y balisa pang naghahabol ng oras upang makapaghanda sa buong araw, naulinigan ko ang aking Ate na kinakausap ang mga kapamilya namin sa probinsiya. 'Di ko na inusisa ang mga detalye ngunit alam kong may problema.

Ang buong araw ng Lunes ay mabuti naman. Nagpunta kami ni Sir Dani sa Pasig BA para ayusin ang problema ng isang kahera sa paglilimbag (printing problem). Ika-10 na noon nung umalis kami kaya nataon din na nanananghalian na ang mga empleyado nung dumating kami. Nagawa naman namin ang aming pakay. Isang ordinaryong araw maliban sa kantiyaw ni Sir Donald, "sabi ko sa inyo e,wag na kayong manood, walang kwentang laban 'yun. 'tsaka sinabi ko na sa inyo, dapat guwardiyahan niyo si Cardona."

Pagbalik ko ng bahay ay inurirat ko na sa Ate ko ang narinig kong problema nung umaga. Nagdulot sa akin ng lungkot at pagtataka ang balitang ninakawan sila ng mga wallet, cellphone, pabango, at kung anu-ano pa. Nagpaplano na kaming magpadala uli. Sa gabing 'yon ay naayos ko na rin ang gusot na naidulot ng panonood ng PBA.

Martes, isa na namang masaklap na pangyayari ang naganap. Maliban sa 'di ako pinayagang sa basement ng main building mag-opisina para lumipat mula data center office, naging kulay-abo rin ang kinasadlakan ko sa mga pagpupulong. Higit na nung kakain na ako. Mainit na ang ulo ko noon dahil na rin sa gutom ay natuklasan kong wala pala ang inorder kong pagkain. Napikon din ako sa pang-aasar ni Ate Melda sa pag-aakalang pagkain ko yun at hindi kay JP. Kaya nung napuno na ang bangang may kumukulong tubig, isang malutong na "Tanga" ang nasambit ko sa isang nakatatanda. Lubos kong dinibdib ang pagsisisi 'pagkat di ko naman talaga sinasadyang sabihin 'yun at 'di ko kinalakihan ang mga ganung salita. Napuno lang ako,oo, maaaring ganun nga, ngunit mali pa rin ang aking ginawa. Naging maayos naman ang aking paghingi ng tawad sa kanya subalit sa likod ng aking isipan, di ko na mababago ang aking nagawa.

Kinahapunan bago umuwi, dumating ang boss ko upang magpapirma sa amin ng PPE. Nakita ko ang gradong ibinigay sa akin. Siyempre, okey naman ang binigay nilang marka. Ngunit 'di ko napigil ang sarili ko na sabihin sa kanya na mas okey kung hindi ganun ang binigay sa akin. Dahil na rin sa pirmado na iyon ni Ma'am Nuesa, di ko na pinilit na ilabas ang aking mga iniisip. Pumirma na lamang ako at nagpaalam.

Ang saklap-saklap naman ng mga nakaraang araw ko. Buti na lang at nakakuha ako ng medical certificate kaya heto ako't sa bahay nagsusulat ng entry. Lalasapin ko na lang ang libreng dalawang araw na nirekomenda sa akin ng doktor upang makapagpahinga.





23 January, 2009

Nagdedeliryo Na

Right now, I am at my lowest strength. I don't want to feel this way. I am fighting against these complications.
  • Sick. After a bed-resting-3-day-leave, I haven't fully recovered yet. Even more sick because of stress and what not. Also been drowsed in a lot of dilemmas lately.
  • Cough. I guess, I got a new job! Huzzah! Similar to a dog, i can make sounds when I am barking. I am promoted from being a Systems Administrator (SAP Basis) to tada! being a BARK-er.
  • Work. My environment is compared to a city that never cared for the Mother Earth. It makes me sceam, "ayoko naaaaa!". Irritated, maybe because of being ill, but hey, the quarterback yesterday made me say to myself, "sumusobra na naman na!" Ewan ko ba kung bakit natatagalan ko ang ganitong mga eksena. Makes me feel not to attend any meetings again. Buti na lang, Mickey and Rodette emceed the "Viva!"
  • Rating. The Performance Evaluation sheets and their contents were not discussed this time. Hmm.. makes me wonder how it was related to the sound I heard during the meeting. *sigh* I'll just wait what will happen next.
  • Look and feel. This activity today is part of my on-going project, SAP Technical Upgrade. This is a predecessor of more activities lined up next week and hopefully be finished next month. The said event provides me more problems. Stressing din pala 'to. Ayoko na talaga!!!
  • BCD. Life they say is from B to D. Between them is definitely C. But if B stands for Birth and D for Death, will it be as definite as it may seem if C=Choice?
Nagdedeliryo na nga yata talaga ako. I'm very down, physically, emotionally, morally. Kaya ko pa kaya? Saklolo!





18 January, 2009

Sexy Name

It's funny to know how people created the sexy name decoder that i found. Decoders are computer programs that auto-generate results from a given input. Below are the results from the sexy name decoder :


Romeo Offering Delightful Erotic Loving
Beguiling Untamed Guy Administering Yummy Orgasms and Naughty Gratification


Maiinis at maiinsulto ka if you are not mature enough to accept things like these! Wanna try it? Visit here.


Have fun!

16 January, 2009

Bad Influenza : Total Disaster

Undeniably, my illness has been making me worry. The influenza I have for 6days now is truly an obstacle. It's hard to have fever + colds + coughing + tonsillitis + headache + nosebleed = physical disaster. Even difficult to undergo treatments because I'm taking 4 medicines after meals + a capsule-like tablet as my vitamins once-a-day. It is really a challenge to get sick.

According to my doctor, the following are the sources of my problem:
  1. The Weather- it is not cooperative, not only for me but for everyone else. Its pattern has changed inevitably. Rains have been observed.
  2. Excessive cold - controlling the temperature in my workplace is prohibited because of the machines/servers that require the standard temperature. That temperature is not bearable during these wintry months.
  3. Stress - this major cause of any illness is known to all. If you need to rest for awhile, tell your boss right away.
  4. Lack of Self-discipline - if you need to wear 2 jackets in your office, don't hesitate to do so. If you have already seen symptoms that you are in need of a consultation from a doctor, why not do it?
Doctor advised the following: (my comments in parentheses)
  1. Take this-and-that medicines as prescribed. (okay po! taga-mercury yata ang ate ko.)
  2. Drink more liquids - water and juice. (pwede po ba ung chilled and cold? mas masarap yun e.)
  3. Eat plenty of fruits. (patay! di nyo ba alam doc na napapabanyo ako sa mga fruits?)
  4. Refrain eating spicy, salty, and sweet foods. (sabi ko na nga ba e. . . pagbabawalan na naman ako.)
  5. Take a day leave to get rest. (di ko po kayo sinunod, naka-3day-leave nga ako e.)
Here is a discussion with the doctor that I was able to store in my memory:

Me: Alin po dito 'yung para sa sakit ng ulo.
Doc: Ah, teka. Wala akong na-prescribe. (then, may inihabol siyang isinulat sa reseta) Talagang magkakasama 'yang lagnat, ubo at sakit ng ulo.
Me: Aah. (sabay hawak sa ulo). Masakit po e, kahit hindi ako umuubo.
D: Kailan ka huling nagpalit ng salamin mo?
M: Last Christmas po.
D: Bagay sa'yo.
. . .


I'm still in recovery stage, sana tuloy-tuloy na ito. Thanks to my sister who provides me medicines (for free). ;)

14 January, 2009

My Kad Army

Below is my collection of Kadoaties in Neopets. This album was able to award me a spiffy avatar that appears at the bottom!
































Hooray!