'Di alintana ang mga sanga-sangang trapiko sa mga daang aming tinahak tungo sa Cuneta Astrodome noong Linggo, Enero 25, masuportahan lamang ang naghihingalong koponang nais kong makapasok para sa kampeonato. Desidido akong mapanood ang laro dahil sa bukod sa iyon ay libre, magkakaroon pa ako ng pagkakataon upang makita nang malapitan ang mga paborito kong manlalaro ng SMB dahil sa courtside ang puwesto namin. At isa pa'y first-time na sa Pasay ako makakapanood.
Dahil nga sa kamalasang tinamasa sa daan pa lamang, ikalawang yugto na nga ng laro ang inabutan ng mga umaasang sina JP,gf ni JP na si Len, kapatid ni Len, Frankie at ako. Dahil nga sa kamalasang iyon, ang SMB ay nabigo sa 116-115 iskor. Puwede naman kasi silang matalo ng tambakan, kaso kung di ba naman malas e, isang puntos lamang ang naghiwalay sa pag-asa at kabiguan. Haaay, I said, blame it to the coach. haha.
Kumain kami sa Nato's sa may Kamuning nung pauwi at ako naman ang solong nagtamasa ng mga di kanais-nais na pangyayari. Kung ano ang mga ito ay di ko na lamang muna babanggitin sapagkat maging sa bahay na aking tinutuluyan ay sunud-sunod nang nangyari ang mga di inaasahan.
Kinaumagahan, 26, habang ako'y balisa pang naghahabol ng oras upang makapaghanda sa buong araw, naulinigan ko ang aking Ate na kinakausap ang mga kapamilya namin sa probinsiya. 'Di ko na inusisa ang mga detalye ngunit alam kong may problema.
Ang buong araw ng Lunes ay mabuti naman. Nagpunta kami ni Sir Dani sa Pasig BA para ayusin ang problema ng isang kahera sa paglilimbag (printing problem). Ika-10 na noon nung umalis kami kaya nataon din na nanananghalian na ang mga empleyado nung dumating kami. Nagawa naman namin ang aming pakay. Isang ordinaryong araw maliban sa kantiyaw ni Sir Donald, "sabi ko sa inyo e,wag na kayong manood, walang kwentang laban 'yun. 'tsaka sinabi ko na sa inyo, dapat guwardiyahan niyo si Cardona."
Pagbalik ko ng bahay ay inurirat ko na sa Ate ko ang narinig kong problema nung umaga. Nagdulot sa akin ng lungkot at pagtataka ang balitang ninakawan sila ng mga wallet, cellphone, pabango, at kung anu-ano pa. Nagpaplano na kaming magpadala uli. Sa gabing 'yon ay naayos ko na rin ang gusot na naidulot ng panonood ng PBA.
Martes, isa na namang masaklap na pangyayari ang naganap. Maliban sa 'di ako pinayagang sa basement ng main building mag-opisina para lumipat mula data center office, naging kulay-abo rin ang kinasadlakan ko sa mga pagpupulong. Higit na nung kakain na ako. Mainit na ang ulo ko noon dahil na rin sa gutom ay natuklasan kong wala pala ang inorder kong pagkain. Napikon din ako sa pang-aasar ni Ate Melda sa pag-aakalang pagkain ko yun at hindi kay JP. Kaya nung napuno na ang bangang may kumukulong tubig, isang malutong na "Tanga" ang nasambit ko sa isang nakatatanda. Lubos kong dinibdib ang pagsisisi 'pagkat di ko naman talaga sinasadyang sabihin 'yun at 'di ko kinalakihan ang mga ganung salita. Napuno lang ako,oo, maaaring ganun nga, ngunit mali pa rin ang aking ginawa. Naging maayos naman ang aking paghingi ng tawad sa kanya subalit sa likod ng aking isipan, di ko na mababago ang aking nagawa.
Kinahapunan bago umuwi, dumating ang boss ko upang magpapirma sa amin ng PPE. Nakita ko ang gradong ibinigay sa akin. Siyempre, okey naman ang binigay nilang marka. Ngunit 'di ko napigil ang sarili ko na sabihin sa kanya na mas okey kung hindi ganun ang binigay sa akin. Dahil na rin sa pirmado na iyon ni Ma'am Nuesa, di ko na pinilit na ilabas ang aking mga iniisip. Pumirma na lamang ako at nagpaalam.
Ang saklap-saklap naman ng mga nakaraang araw ko. Buti na lang at nakakuha ako ng medical certificate kaya heto ako't sa bahay nagsusulat ng entry. Lalasapin ko na lang ang libreng dalawang araw na nirekomenda sa akin ng doktor upang makapagpahinga.

No comments:
Post a Comment